Licensed Civil Engineer, finally.
>> Thursday, December 22
Di ko alam pano ko sisimulan ang kwento.
JUNE 2006
6 years ago, after graduating from Diliman Preparatory School, naghahanap lang ako ng school na papasukan for college.
Wala kaming pera nuon. Nagexam ako sa UST, pumasa..un nga lang wala talaga kaming pera to enroll. Naghanap ako ng school na kaya ko maging full scholar (di naman kasi ako ganun katalino). Tapos, nakita ko ang TIP-QC (TECHNOLOGICAL INSTITUTE OF THE PHILIPPINES). Never ko pa ito narinig nung una hahaha. Engineering school din pala. Nagtake ako ng exam for Guillermo De Vega Scholarship and lucky enough, sumabit ako bilang top 41. Last passer na cover ng full scholarship, one miss scholarship dies.
Along the way.. nagaral ako dun. Hanggang sa marami na akong naririnig na negative things about the Institute. Actually hindi naman maganda dun. Madedevelop lang yung sama ng loob mo. Isa siyang school na walang pakialam sa students. Harsh guards, sigang students.. lahat na, panget turo. Until dumating ako ng 4th year. Nawala ang schoalrship ko. kasi bumaba sa 2.00 ang GEN AVE ko. Dito na nagstart humirap ang pagaaral ko.
Narealize ko nalang na hindi pala madali sa TIP. Madali makapasok. Kahit sinong bobo pwede dun pumasok e, bagsakan nga ng bobo. Pero sa Civil Engineering department, tignan natin kung makalabas ka kagad. Dun ko napansin na highly commercialized ang education dito. 1st year to 3rd year, ayan madali pa jan, pang GRADE 1 pa. Tanggap pa sila ng tanggap jan. Kasi jan sila kumukuha ng income. Pero pagdating mo ng 4th year jan na humihirap. Pero namanage ko naman na walang ibagsak na subkect hanggang 5th year 1st sem. Pero nung graduating nako, 5th year second sem. BOOM. Binagsak ako ng Professor ko sa FOUNDATION ENGINEERING. Ang sama sama ng loob ko nun. lalo na pag nagfefacebook ako at nakikita ko yung mga classmates ko na nagmarch na sa PICC. Parang nasira lahat ng pangarap ko. Pero syempre, life went on, I stood up ang just took the subject again. Kaya summer grad ako. :)
College life ended there. I had to forgive those who brought me down. Failing in a subject na alam mong marunung ka, hindi yun makakatulong sa'yo kahit motivation pa.
Yun yung gusto ko sabihin sa Department Head namin sa TIP. Na hindi lahat ng binabagsak niya namomotivate. Na hindi lahat ng binabagsak niya natutulungan niya. Oo siguro si Engr. Olidan, biangsak niya at kineCLAIM niyang yun ang dahilan kaya nag TOP 1 sa board yung tao. Pero hindi mo din masasabi yun. Kung TOP 1 talaga si Engr. Olidan, kahit ipasa pa siya o hindi, tadhana talaga niya yun. Dahil nga sa pangbabagsak niya, marami na siyang sinirang buhay, pangarap, sinayang na pera ng mga magulang na nagpapakahirap mapagaral ang kanilang anak. Makakakita ka pa nga ng 5th takers na sa subject na tulad ng Steel Design, baka ngayun may umabot na ng 7th. Anung sense nun? Nasan ang diperensya? sa studyante padin ba?
Anyway, hayaan na natin at tapos na. Hindi naman perpekto ang tao. Yun nga lang sana makawala na yung mga mahal kong classmates dun. Gusto ko nadin sila maging ENGINEER. Alam ko yung hirap na nararanasan nila.
JUNE 2011
Ayun. Tapos nako sa college, 2012 pako magmamarach sa PICC. Kalungkot.
Right away I started my review for the board exam. Sa MEGAREVIEW ako nagenroll. Unang part struggle. Imagine, lahat ng inaral mo ng 5 years aaralin mo in 5 months. Okay naman sa MEGAREVIEW. Mahirap. Kelangan mo talaga maging masipag. NagDORM na nga ako para malapit kasi ang hirap pumasok, Recto pa.
Masaya nung review. Masaya magDORM. First 2 weeks, masipag pa, nagtatop pako sa evaluations e, pero after that, next two months, inuman na kami ng magaling kong roommate na si Marky. Nagdadala pa kami ng chix dun. Ang saya kasi walang bawal. Kahit umagahin kami walang may pakialam! hahaha. PARTY PARTY! may disco ball pa kami.
Pero darating yung time once in a while na maiisip mo, na makuknsensya ka kasi hindi kayo nagaaral. Hanggang late kana sa topics. Hanggang malabo na yung panagrap mo maging Engineer.
Struggle ko din yung nilalaro ko, yung Godswar (online game). Ang hirap itigil. Halos buong oras ko puro yun ginagawa ko.
OCTOBER 2011
Hanggang dumating yung countdown. less than 100 days nalang. Nagsimula na akong mapressure. Hindi pwedeng lumipas ang isang araw na hindi ka nagaaral. Dumadating yung time na kala mo nagaaral ka pero tinititigan mo nalang yung libro sa sobrang pagod. Pero syempre may halong katamaran padin yun. Lalo na pag nagsama kami ng karoom ko na isa ding tamad. Minsan nakahiga lang kami, nagkekwentuhan. Nagatatakutan ng babagsak. Pressure.
Preboard exam, pressured na talaga kami. Akala ko hindi ako papasa pero dahil maswerte ako pumasa ako. yun nga lang wala sa top 10. Pero pwede na yun. Dami din kayang bumagsak!
After ng preboard, yan na tutukan na talaga kami. wala ng tulog. Ang masaklap pa, tumutubo 3rd mollar ko. 1 week akong hindi kumakain at nakakatulog sa sobrang sakit. Witness si Marky dun. Hindi pa ako nakapasok ng two days ng refresher course ng review. Nawalan na talaga ako ng pagasa pumasa. Nanggaling na ako ng Mary Chiles at St. Lukes Hospital pero wala silang nagawa. Nauubos na oras ko hindi pako nagaaral. Buti nalang dinala ako ng magaling kong Ama sa MEDICAL CITY. Inoperahan ako, hindi nila binunot yung mollar, pinunit lang nila yung gum muscle na impacted para hindi na masakit. so after that, YEY aral na uli! tapos... maskalap nanaman uli! niloko ako ng isang babaeng pinagkatiwalaan ko na hindi na natin papangalanan. 1 week na hindi ako nakapagaral, nung una physical pain, this time emotional pain. Try mo magaral na puro sama ng loob nasa puso niyo. Pero eventually, ako na mismo ang nagpatawad para sa ikalulwuag ng puso ng lahat. REVIEW continued.
NOVEMBER 19-20
Heto na Exam days na. Ready na ako, pencil, calcu at higit sa lahat, ROSARY hehe.
1st day, MATHEMATICS AND TRANSPORTATION ENGINEERING (7AM to 12PM) ayun. sobrang excited. Wala pang time pinasa ko kagad. 1 hour and 30 minutes lang ako nagexam. Kaya ayun may mali kagad pagpasa palang. Kung nareview ko pa yun ng mabuti malamang naitama ko pa yung mali ko na yun. hay! move on na. tapos 2nd exam on the 1st day HYDRAULICS AND GEOTECHNICAL ENGINEERING (1PM to 5PM), this time talagang sinigurado ko na, inubos ko talaga yung oras, pagpasa ko alam ko perfect ako pero may isa palang mali :|
2nd day, STRUCRURAL AND CONSTRUCTION ENGINEERING(7AM to 12PM). Eto na. WOW na. pagkakita ko palang sa mga tanung, naiiyak na ako sa hirap. sobrang hirap na nawalan na ako ng pagasa pumasa. Ginawa ko, tinaob ko muna yung papers ko. Pumikit ako for about mga 15 minutes. Nagdasal talaga ako ng taimtim. Then nagstart nako magsagot. Ganun padin mahirap padin siya. Pero this time, nawala na yung kaba kasi alam mong may katulong ka ng MALAKAS, si LORD! :) Unti unti, sinagutan ko, pag hindi ko masyado alam, skip, then babalikan ko, hanggang sa nakasagot na ako enough para pumasa. Kada sagot ko nagdadasal ako, pinagpepray ko yung iba na makuha din nila. Ayun nga, pinagpatuloy ko ang pagsasagot. Hanggang dalawang item nalang ang di ko nasasagutan, ibig sabihin dalawa nalang mali ko hahahaha! pero sinagutan ko padin. Pero di ako sure sa sagot ko sa dalwang yun. hehe.
After ko mashadean lahat, pinasa ko na. Paglabas ko ang dami ng tao. :| Nakita daw ako ng iba para daw akong lumulutang sa kawalan. Dami nahirapan e. Ako iniisip ko padin yung dalawang item na yun na di ko sigruado. :)) Pero silent lang, dapat kasi hindi natin unahan ng yabang kasi marami pwedeng mangyari.
Expected ko na nung una na pasok ako sa top 3. Pero hindi ako naninigurado dahil maraming pwedeng mangyari. Paguwi ko ng bahay, sinabi ko kagad sa kuya ko na top 1 na ako. kasi nga expected ko mga 3 lang mali ko. Eh kinompare ko lang sa mali ng mga top 3 nung mga nakaraang board exam. Pero hindi padin ako naninigurado, pinapalakas ko lang luob ko at pinapakita ko na may faith ako.
NOVEMBER 23, 2011
Until dumating yung release ng result, umalis ako ng bahay, kasama ko ang isang reviewmate, nagsimba kami, at nagstay sa dorm. Pinatay namin ang phones namin dahil natatakot kami sa result. Eh unconsciously naopen ko phone ko, tapos yun na may mga texts na "CONGRATS!" ang dami, tapos mamayamaya "CONRGATS ENGR, di ka lang ENGR TOPNOTCHER PA" tapos nalaman ko nag top 8 ako. Syempre masayang masaya ako, lalo na nung pumasa din yung kasama ko. Masaya ako dahil pasok ako sa top 10. Tapos inisip ko bakit 8 lang pero satisfied na ako ha, inisip ko lang. Tapos nalaman ko nga na 95.25 yung average ko as expected, grade na papasok nga sa top 3 usually, pero sorry ako dahil kasabay ko pala magexam yung magagaling ng Catanduanes, ang gagaling tlga hahaha! 98.05 ang grade ng top 1. san kapa hahaha. Siguro yun talaga ang nakalaan para sa akin. Tsaka hindi din naman ako ganun naging masipag nung review, dami kong katamaran at hindi ako nakakatapos ng books gaya ng ibang nakakaSAMPU, kaya mas deserve ng iba yung higher place, at isa pa TOP 8 yun. Pagpasa palang sa exam ng CIVIL ENGINEERING mahirap na, CIVIL ENGINEERING BOARD EXAM yun. Alam naman natin gaano kahirap yan. :) Yun lang.
MARAMING MARAMING SALAMAT KAY LORD! SA PARENTS KO AT SA LAHAT NG NAGTURO SAKIN AT TUMULONG MAGPRAY :)
1 comments:
nice post! congrats :)
Post a Comment